Loonie - TUGMANG PRESO (Lyrics)
The channel Musixa publishes 'Loonie - TUGMANG PRESO (Lyrics)', a successful Music video with 568.2K plays and 1.2K reactions.
♫ Loonie - TUGMANG PRESO (Lyrics) 👉 Stream: https://loonie.bfan.link/meron-na
👉 Loonie: https://www.instagram.com/loonieverse/ https://www.youtube.com/channel/UCUEPum1Bd1-nGGpTcX7_MAQ
🎤 (Letra/Lyrics): Loonie - TUGMANG PRESO
[Spoken Intro] Isang sikat na Fliptop rapper ang inaresto sa buy bust operation sa Makati City Siya si Marlon Peroramas o mas kilala bilang si Loonie Members of Makati's drug enforcement unit have arrested rapper Loonie Nakuhanan sila ng ilang pakete ng droga Miyerkules nung nakaraang linggo, nang maaresto si Loonie At apat na iba pa, matapos makumpiskahan ng kush for high grade marijuana
[Intro] Bagamat makulay ang mga pabalat Alam mong mahusay ang pagkakalahad Mga tunay na ganap, isinulat ng pa-rap Kaya 'wag ka nang magulat kung magtutugma lahat Sapagkat ito'y galing sa memorya Isang napaka-importante na istorya Ito ang aking personal na testimonya Pangontra sa mga ignorante na teyorya
[Verse 1] Ito ay tunay na buhay, wala 'kong dahilan Para magsinungaling at mga detalye palitan Ito ang kwento kung pa'no kami tinaniman Ng marijuana ng mga parak na mukhang taliban Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas Sa isang gusali doon sa may Ortigas Walong oras bago ang rehas ay mahimas Kasama ko si Ron Henley ng Stick Figgas May interview kami sa radyo nung gabi na 'yon Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon Dahil meron pa 'kong pupuntahang isang okasyon Do'n sa Poblacion, birthday daw ni Shaun 'Yun lang ang alam ko na detalye pa noon Medyo masama ang panahon, umaambon Kaya tinext ko na si utol, pumunta ka na ngayon Humiwalay na si Ron, sumakay ng taxi Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee Utol kong si Idyll, sinundo ako sa lobby Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari Saan tayo pupunta? Private daw na party 'Yung reception ay isang hotel do'n sa Makati Bata na may cancer, kumontak kaniyang mommy Idol ako ng anak at rap ang kaniyang hobby Pangalan daw ay Shaun, walang pake sa money Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy Lumambot ang aking puso nung una ko narinig Naawa ako kay Shaun, mga luha nangilid Nung nalaman kong lagay na daw ng bata, tagilid 'Di niyo kailangan magbayad, pupunta 'ko sa event Rekta sa Makati kahit traffic ay ikainip (Hay!) Kasama ko si Rude at si Ivan, ang sikip At si Kuya Albert, 'yung driver kong mabait At tsaka si Idyll, aking manager at kapatid Na merong thalassemia, isang kakaibang sakit Kailangan niya laging salinan ng dugo na pantawid At dahil malapit lang sa hotel 'yung Makati Med Sumabay na lang siya sa'min para mas makatipid
[Interlude] Sabay ka na para isang kotse na lang
[Interlude] Dapa, dapa, dapa! Kamay sa likod, tingin sa baba Dapa sabi eh!
[Verse 3] Nakadapa kami habang napapanood Ng aking utol na kasalukuyang nakabukod May tinabi silang kahon, malakas kaniyang kutob Na meron 'tong mga lamang kontrabando sa loob Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak Nung isa na sa mga kasama nila nasapak Walang uniporme at naka-maskara lang lahat Walang Mirandang binasa, basta-basta lang agad (My God!) Sikat na hotel at nakakapagtaka'y Maraming CCTV, lahat nakapatay Wala man lang body cam na nakalagay Kahit kuha man lang ng cellphone gamit kamay Sabi daw ng pulisya, sa'kin daw nakumpiska pero 'di makumpirma Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma Walang video ng palitan magmula nung umpisa Kung under surveillance pala, dapat may footage ka ('Di ba? Kung under surveillance pala, dapat may footage na)
[Outro] Alam kong meron akong mga paa na natapakan Ngunit 'di ko 'yon sinasadya, ako ay tao lamang Pinaglaban lang ang paglikha nang merong kalayaan At kung 'yon ay masama, 'yun lang ang aking kasalanan
[Spoken Outro] Authorities seized fifteen packs of high grade marijuana from Peroramas The rapper is denying the allegations against him He says, "He may have been frame"
#loonie #TugmangPreso #MeronNa #lyrics
Tags: TUGMANG PRESO TUGMANG PRESO LYRICS loonie tugmang preso lyrics tugmang preso loonie lyrics Loonie - TUGMANG PRESO (Lyrics)
Related Videos
He Is Risen! Easter Worship 2026, Best Christian Worship Songs Playlist, From The Cross To Glory
Worship Songs
73.2K views
Jesus Christ Is Risen Today | Traditional Christian Easter Hymn | Catholic Choir w/ Lyrics
Sunday 7pm Choir | Catholic & Christian Choral Music
29.6K views
The One Who's Running The Show (Digital Circus)【covered by Anna】 || female ver.
annapantsu
104.9K views
Kodak Black - Top Back feat. G Thug [Official Video]
Kodak Black
35.9K views
Versatile (Hardstylish Remix Slowed)
Rweloac - Topic
785.0K views
DPR IAN - THE SHOW (Official Music Video)
Dream Perfect Regime
430.0K views
Key Glock - Loco (Official Music Video)
Key Glock
349.3K views
That Mexican OT - Still Virgil
ThatMexicanOTVEVO
48.6K views
T.I. - Trauma Bond (Official Video)
TIVEVO
687.6K views
BTS - Come Over (Prod. SUGA) // Sub. Español
happxboy
39.4K views