Gloc 9 - Walang Natira (Lyrics) feat. Sheng Belmonte
The channel Stringo Music shares 'Gloc 9 - Walang Natira (Lyrics) feat. Sheng Belmonte', a popular Music clip with 2.3M views and 4.2K likes.
♫ Gloc 9 - Walang Natira (Lyrics) feat. Sheng Belmonte
🎤 Lyrics: Gloc 9 - Walang Natira feat. Sheng Belmonte
Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira?
Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila
Lupa kong sinilangan, ang pangalan ay Pinas Ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas? Nauungusan ng batas, parang inamag na bigas Lumalakas na ang ulan, ngunit ang payong ay butas Tumatakbo nang madulas, mga pinuno ay ungas Sila lang ang nakikinabang, pero tayo ang utas Mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas Para pumunta ng ibang bansa at doon magtanas Ng kamay para lamang magkakalyo lang muli Ang pahinga'y iipunin para magamit pag-uwi Dahil doon sa atin, mahirap makuha ang buri Mabahiran ng tsokolate ang matamis na ngiti Ng anak na halos 'di nakilala ang ama O ina na wala sa t'wing kaarawan nila Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba? Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na Napakaraming inhinyero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming karpintero dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira?
Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila
Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan Ng kapalaran ng lahat ng nakipagsapalaran Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan Ng mahal sa buhay, ang sugal ay tatayaan Isasanla ang lahat ng kanilang mga pag-aari "Mababawi rin naman", 'yan ang sabi 'pag nayari Ang proseso ng papeles para makasakay na Sa eroplano o barko kahit saan man papunta Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso Ang isa ay katumbas ng isang dakot na mamiso Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino? Lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino? Gugutumin, sasaktan, malalagay sa peligro Uuwing nasa kahon, ni wala man lang testigo Darating kaya ang araw na ito'y mag-iiba? Kung hindi ka sigurado, mag-isip-isip ka na Napakaraming kasambahay dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming labandera dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira?
Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila
Subukan mong isipin kung gaano kabigat Ang buhat ng maleta, halos hindi mo na maangat Ihahabilin ang anak, para 'to sa kanila Lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba Matapos lamang sa kolehiyo, matutubos din ang relo Bilhin mo na kung ano'ng gustong laruan ni Angelo Matagal pa'ng kontrata ko, titiisin ko muna 'to Basta ang mahalaga, ito'y para sa pamilya ko Napakaraming guro dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira? Napakaraming nurse dito sa amin Ngunit bakit tila walang natira?
Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Nag-a-abroad sila Gusto kong yumaman, yumaman, yumaman, yumaman, yumaman Napakaraming tama dito sa atin Ngunit bakit tila walang natira?
#gloc9 #WalangNatira #ShengBelmonte #stringomusic
✨ Tags: walang natira,sheng belmonte,walang,natira,walang natira gloc 9 ft. sheng belmonte,walang natira gloc 9 feat sheng belmonte karaoke,walang natira gloc 9,walang natira lyrics,belmonte,gloc feat. sheng belmonte,gloc 9 walang natira lyrics,lyrics gloc 9 walang natira,walang natira lyrics
Related Videos
Why Is Miku Depressed? New Song Release #hatsunemiku #vocaloid #animation
ePiaeon
4.3K views
SOSORRY! / Hatsune Miku
ePiaeon
18.2K views
FullyChop - FRIENDLY FIRE (Official Music Video)
FullyChop
107.4K views
Kehlani - Cruise Control [Official Music Video]
Kehlani
158.7K views
Mozzy & WeezGotti - Pistol Play (Official Music Video) Dir @RLPvids
Weez Gotti
83.2K views
Yungeen Ace - Looking Back (Official Video)
Yungeen Ace
165.7K views
G Herbo - Mad People (Official Video)
G Herbo
218.6K views
Los Temerarios 15 Grandes Canciones – Lo Mejor de Los Temerarios 💕
Classic Romance Radio
8.3K views
Marilyn Manson - Exit Wound (Music Video)
Marilyn Manson
646.5K views
Kodak Black & 1900Rugrat - Nunchucks [Official Video]
Kodak Black
226.4K views